|
||||||||
|
||
Sa isang pulong na idinaos nitong Sabado, Enero 6, 2018, sa Amman, kabisera ng Jordan, ng mga Ministrong Panlabas mula sa anim na bansang Arabe at Pangkalahatang Kalihim ng League of Arab States (LAS), inulit nila ang pagtutol at protesta sa ginawang kapasiyahan ng Estados Unidos na kilalaning ang Jerusalem ay kapital ng Israel. Ipinahayag din nila na iginigiit ng mga bansang Arabe ang kanilang posisyon sa isyu ng Jerusalem.
Sa isang news briefing na idinaos pagkatapos ng pulong, sinabi ni Ahmad Abdoul Gheit, Pangkalahatang Kalihim ng LAS, na ipinakikita ng mga bansang Arabe ang kanilang pagkakaisa sa pagtutol at protesta sa nasabing kapasiyahan ng Amerika. Dagdag pa niya, ipinasiya ng mga kalahok na patuloy na igiit ang posisyon ng mga bansang Arabe at tutulan ang kapasiyahang ito ng Amerika.
Noong Disyembre 6, 2017, kinilala ni US President Donald Trump na ang Jerusalem ay kapital ng Israel. Pasisimulan din aniya ng Amerika ang proseso ng paglilipat ng embahadang Amerikano sa Israel mula Tel Aviv-Yafo sa Jerusalem. Ngunit, unibersal na nagpahayag ang komunidad ng daigdig ng pagtutol tungkol dito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |