|
||||||||
|
||
Jakarta, Indonesia—Pinagtibay ang Jakarta Declaration sa dalawang-araw na Ika-5 Organization of Islamic Conference (OIC) Extraordinary Summit na ipininid nitong Lunes, Marso 7, 2016.
Inulit ng nasabing Deklarasyon ang suporta ng mga kasapi ng OIC sa sariling determinasyon ng mga mamamayan ng Palestina na kinabibilangan ng kanilang karapatan sa pagsasakatuparan ng kasarinlan ng bansa kung saan ang Al-Quds Al-Sharif, o Jerusalem, ang kabisera.
Batay sa temang "United for a Just Solution," mahigit 500 kinatawan mula sa 49 na kasapi ng OIC, 3 bansang tagamasid, 4 na international quartet organizations at 5 permanent members ng United Nations Security Council (UNSC) ang nagtalakayan hinggil sa isyu ng Palestina.
Ayon sa Ministring Panlabas ng Indonesia, bansang tagapag-organisa ng nasabing summit, sa pamamagitan ng idinaos na pulong, inaasahang mahihikayat ang komunidad ng daigdig na ihain ang resolusyon hinggil sa mga isyu ng Palestina at Al-Quds Al-Sharif.
Upang mapasulong ang pagtutulungan sa pagitan ng Indonesia at Palestina, pasisinayaan ng Indonesia ang konsuladang parangal (honorary consulate) sa Ramallaha sa loob ng Marso.
Kalahok sa Ministerial Preparatory Meeting sa Ika-5 OIC Extraordinary Summit. Larawang kinunan March 6, 2016. (Xinhua/He Changshan)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |