Noong ika-8 ng Enero, 2018, idinaos ang seremonya ng paglalagda ng mga kasunduan ng bahay-kalakal ng Tsina at Kambodia na itinaguyod ng mga Ministri ng Komersyo ng dalawang bansa. Mahigit 100 kinatawan mula sa mga pamahalaan, samahan, bahay-kalakal ng Tsina at Kambodia ang lumahok sa aktibidad na ito.
34 na kasunduang pangkalakalan ang nilagdaan ng mga bahay-kalakal, at ang nakontratang pondo ay umabot sa 525.9 milyong dolyares.
Ang Tsina ay pinakamalaking trade partner at bansang pinanggagalingan ng pag-aangkat ng Kambodia. Mula noong Enero hanggang Nobyembre ng 2017, ang bilateral na halaga ng kalakalan ay umabot sa 5.27 bilyong dolyares, at lumaki nang 23.3% kumpara sa gayon ding panahon ng taong 2016. Hanggang noong Oktubre ng 2017, ang itinakdang pamumuhunan ng Tsina sa Kambodia ay umabot sa 12.57 bilyong dolyares, at ang Tsina ay pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng pamumuhunan ng Kambodia, ang pondo mula sa Tsina ay katumbas ng 36.4% ng kabuuang dayuhang pamumuhunan.
salin:Lele