Ipinatalastas ika-4 ng Enero, 2018, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni Hun Sen, Punong Ministro ng Cambodia, Bansang Tagapangulo ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), dadalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-2 Summit ng LMC na idaraos sa ika-10 hanggang ika-11 ng buwang ito at dadalaw sa Cambodia.
Magkasamang mangungulo sina Li Keqiang at Hun Sen sa LMC Summit, magpapalitan sila, kasama ng iba pang mga lider ng Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam sa kahabaan ng Lancang-Mekong River hinggil sa bunga, karanasan sa nakaraan at plano sa hinaharap.
Sa panahon ng pagdalaw, bibisita si Premyer Li kay Haring Norodom Sihamoni ng Cambodia at makikipag-usap kay Hun Sen hinggil sa pagpapahigpit ng komprehensibong estratehikong kooperasyon ng Tsina at Cambodia.
salin:Lele