|
||||||||
|
||
Sinimulan noong ika-8 ng Enero, 2018 sa Beijing ang "Biyahe ng mga Media ng ASEAN sa Tsina sa 2018" na itinaguyod ng Kawanihan ng Turismo ng Estado ng Tsina at Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI).
Sa 5-araw na biyahe, 36 na mamamahayag mula sa 9 na bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at CRI ang pupunta sa Shanghai, Hangzhou, Harbin at Xuexiang para sa mga panayam at pagbabalita.
Sina Kenneth Paciente, reporter at Jun Bacit, cameraman ang mga kinatawan ng PTV ng Pilipinas.
Caption: Sina Kenneth at Jun habang nagsasagawa ng on-the-spot report makaraang bumisita sa Harbin Polarland, Enero 9, 2018. (Larawan: Vera)
Ang mga panayam ay magpopokus sa bungang pangkooperasyon ng "Taon ng Turismo ng Tsina at ASEAN noong 2017," at bagong aspekto ng kooperayson sa hinaharap.
Sa seremonya ng pagsisimula, ipinahayag ni Zhang Xilong, Inspector of the Department of Tourism Promotion and International Cooperation ng Kawanihan ng Turismo ng Estado ng Tsina na ang ASEAN at Tsina ay kapwa mahalagang bansang pinagmumulan at destinasyon ng mga turista ng isa't isa, kaya, ang pagpapahigpit ng kooperayson sa turismo ay may positibong katuturan, hindi lamang sa paglaki ng industryang panturista, kundi sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Noong 2016, ang bilang ng turista mula sa ASEAN patungong Tsina ay umabot sa 10.34 milyong persontime, at lumaki nang 57.8% kumpara sa gayon ding panahon noong 2015.
Salin/web-edit: Lele
Pulido:Mac/Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |