Beijing-Ginawaran at kinatagpo Enero 8, 2018 ni Pangalawang Premyer Liu Yandong ng Tsina ang mga dalubhasang dayuhan ng 2017 International Science and Technology Cooperation Awards ng Tsina.
Ipinahayag ni Liu ang pasasalamat sa pagsisikap ng mga dalubhasa sa pagpapasulong ng kaunlarang pansiyensiya at panteknolohiya ng Tsina at progreso ng sangkatauhan. Tinukoy ni Liu na patuloy na magsisikap ang Tsina para makisangkot sa global innovation network, mapasulong at mapalawak ang pagtutulungang pansiyensiya at panteknolohiya sa labas, at bigyan ang mga dalubhasa ng mas mainam na kondisyon sa kanilang pagtatrabaho at pagpapalitang pansiyensiya sa Tsina. Umaasa rin aniya siyang mapapahigpit ang pagtutulungan at pagpapalitan ng mga dalubhasang Tsino at dayuhan sa larangan ng inobasyon, para magkasamang maitatag ang community of shared future ng sangkatauhan.
Ang nasabing mga dalubhasang dayuhan ay kinabibilangan nina Salikhov Shavkat, Bioorganic Chemist ng Uzbekistan, Shoucheng Zhang, Theoretical Physicist ng Amerika, Philip David Coates, Polymer Processing Expert ng Britanya, Deliang Chen, Climatic Chamber ng Sweden, Yang Shi, Geneticist ng Amerika, at Polichronis-Thomas Spanos, Civil Engineering Expert ng Amerika.