Beijing-Idinaos Enero 8, 2018 ang seremonya ng 2017 State Science and Technology Awards ng Tsina, sa Great Hall of the People.
Sa pagtitipon, ginawaran ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sina Ginoong Wang Zeshan, Dalubhasa sa larangan ng gunpowder at explosive, at Ginoong Hou Yunde, Dalubhasa sa larangan ng interferon at pagpigil at pagkontrol sa mga nakakahawang sakit.
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na nagsisikap ang bansa para mapasulong ang pambansang estratehiyang pangkaunlaran, sa pamamagitan ng pagpapalalim ng inobasyon.