Beijing, Tsina-Ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kasalukuyan, pumapasok na sa panahon ng mabilis na pag-unlad ang Lancang-Mekong Cooperation (LMC).
Idinaos nitong Miyerkules, Enero 10, 2018 ang Ika-2 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), sa Phnom Penh, Cambodia. Lumahok dito ang mga lider mula sa anim na kasaping bansa sa kahabaan ng Ilog Lancang-Mekong na kinabibilangan ng Cambodia, China, Laos, Myanmar, Thailand at Vietnam.
Sa regular na preskon kahapon, Huwebes, Enero 11, sinabi ni Lu na nagtatampok ang LMC sa pagiging pantay-pantay, bukas at inklusibo, at pragmatiko at episyente. Aniya pa, nitong mga dalawang taong nakalipas sapul nang itatag ang LMC, mabunga ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga kasaping bansa sa larangan ng imprastruktura, edukasyon, kalusugan at iba pa. Halimbawa, humigit-kumulang 800 may kataratang taga-Cambodia, Laos at Myanmar ang tumanggap ng libreng operasyon ng mga doktor na Tsino.
Ipinahayag din ng tagapagsalitang Tsino na sa hinaharap, pahihigpitin ng anim na kasaping bansa ng LMC ang pagtutulungan sa yamang-tubig, konektibidad, industrial productivity, yamang-tao, agrikultura at kalusugan, para magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamahayan sa kahabaan ng Ilog Lancang-Mekong.
Salin: Jade
Pulido: Mac