Noong ika-10 ng Enero, 2018, idinaos ang Ika-2 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) sa Phnom Penh, Kambodya. Dito, pinagplanuhan ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina at ng mga lider ng Kambodya, Laos, Thailand, Myanmar at Biyetnam ang kooperasyon sa susunog na yugto. Sa panahon ng summit na ito, iniharap ng panig na Tsino ang mga aktuwal na mungkahi hinggil sa paglilikha ng Lancang-Mekong economic development belt at pagtatatag ng community of shared future ng mga bansa sa kahabaan ng Ilog Lancang-Mekong, at ito ay tinanggap ng iba pang panig. Pinagtibay din sa summit ang isang 5-taong planong nagpapaliwanag ng aspekto at paraan ng pag-unlad ng LMC sa susunod na yugto.
Pagkaraan ng pulong, sinabi ni Li Keqiang sa media na bilang pangmatagalang bansang tagapangulo, nakahanda ang Tsina na isabalikat ang responsibilidad. Halimbawa, patuloy aniyang aangkatin ng Tsina ang mga produktong agrikultural na gaya ng bigas mula sa 5 bansa sa kahabaan ng Ilog Mekong. Nitong dalawang taong nakalipas, natamo ng 12 libong estudyante ng mga bansa sa kahabaan ng Ilog Mekong ang Chinese Government Scholarships, at sa hinaharap, patuloy pa aniyang daragdagan ang mga katulad na pagkakataon. Nakahanda ring magkaroon ng medikal ang Tsina na kooperasyon at magbigay ng libreng serbisyo medikal sa mga may heart at cataract disease sa nasabing mga bansa, ani Li.
Pinapurihan naman ng mga lider ng iba pang mga kalahok na bansa ang mga mungkahi ng Tsina. Anila ang mga ito ay angkop sa pangmalayuang interes ng mga bansa sa kahabaan ng Ilog Mekong. Sa ngalan ng iba pang mga kalahok na bansa, pinasalamatan ni Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya, punong abala ng summit ang pamahalaan ng Tsina sa pagganap nito ng papel ng patnubay sa LMC.
salin: Lele