Beijing, Tsina—Nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng ibayo pang pagsisikap sa pagpapairal ng disiplina at paglaban sa katiwalian para ganap na mapabuti ang kapaligirang pulitikal o "political system" ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ito ang ipinahayag ni Xi sa Ika-2 Sesyong Plenaryo ng 19th Central Commission for Discipline Inspection (CCDI) ng CPC na idinaos sa Beijing, Huwebes, Enero 11. Si Xi ay nagsisilbi ring Pangkalahatang Kalihim ng CPC Central Committee at Tagapangulo ng Central Military Commission ng bansa.
Ipinagdiinan ni Xi na ang pag-unlad ng sosyalismong may katangiang Tsino ay pumapasok na sa bagong panahon. Nangangailangan aniya ito ng malakas na pangangasiwa ng CPC para maisatuparan ang pambansang kasaganaan. Kaya, hinimok niya ang mga opisyales ng CPC na patuloy na magsikap para mapalakas ang "political building," mapasulong ang mga teorya, mapatatag ang organisasyon, mapabuti ang mga gawa, at mapahigpit ang disiplina.
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina habang nagtatalumpati sa Ika-2 Sesyong Plenaryo ng 19th Central Commission for Discipline Inspection (CCDI) ng CPC na idinaos sa Beijing, Huwebes, Enero 11. (Xinhua/Xie Huanchi)
Salin: Jade
Pulido: Mac