|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Ang pagpigil sa mga pangunahing panganib, pagpapahupa ng kahirapan, at pagkontrol sa polusyon ay magsisilbing pinakamahalaga at pinakamahirap na tungkuling matutugunan ng Tsina sa susunod na tatlong taon. Layon nitong isakatuparan ang target ng bansa na itatag ang "moderately prosperous society" sa 2020.
Nasasaad ito sa isang pahayag na inilabas ng katatapos na Central Economic Work Conference, pinakamahalagang taunang pulong na pangkabuhayan ng Tsina.
Upang mapigilan ang mga pangunahing panganib, buong sikap na makikibaka ang Tsina laban sa mga di-regular at ilegal na aktibidad sa sektor na pinansyal. Pahihigpitin din ng bansa ang superbisyon at regulasyon sa nasabing sektor.
Ayon sa pambansang plano, sa taong 2020, ganap na papawiin ng Tsina ang kahirapan. Hanggang katapusan ng 2016, mayroon pang 43.35 milyong mamamayang Tsino na namumuhay sa ibaba ng pambansang poverty line.
Ang "Beautiful China" ay itinakdang target sa katatapos na 19th CPC National Congress. Upang maisakatuparan ng nasabing target, pinagtibay ng bansa ang pinakamahigpit na batas hinggil sa pangangalaga. Kasabay nito, itatakda rin ang mga "red lines" na ekolohikal sa ilang bahagi ng bansa para maprotektahan ang kapaligiran.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |