Sa paanyaya ng The Party of European Socialists(PES), bumisita Disyembre 12-13, 2017 ang delegasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Punong Himpilan ng Unyong Europeo (EU). Ang nasabing delegasyon ay pinamumunuan ni Gao Xuanmin, Pangalawang Ministro ng Organization Department ng Komite Sentral ng CPC.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga lider ng PES, European People's Party at European External Action Service, inilahad ni Gao ang diwa ng 19th CPC National Congress.
Ipinahayag ni Gao na sa patnubay ng "Kaisipan ni Xi Jinping hinggil sa Pag-unlad ng Sosyalismong May Katangiang Tsino sa Bagong Dekada," ibayo pa at komprehensibong mapapalalim ang reporma at pagbubukas sa labas, mapapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, at mapapasulong ang pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig at komunidad ng "shared future" ng sangkatauhan. Aniya, ang direksyong pangkaunlarang binalangkas sa 19th CPC National Congress ay magdudulot ng bagong pagkakataon sa pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Europa.
Ipinahayag naman ng kabilang panig na positibo sila sa ideya ng report ng 19th CPC National Congress hinggil sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Anila, ang development road map na binalangkas ng kongreso ay hindi lamang may mahalagang katuturan sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap, kundi may malawak ding impluwensiya sa Europa.