|
||||||||
|
||
Phnom Penh, Kambodya-Nag-usap Enero 11, 2018 sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministrong Hun Sen ng Kambodya.
Ipinahayag ni Premyer Li na sa ika-60 anibersayo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya para maitatag ang strategic community of shared future ng dalawang bansa.
Sinabi ni Li na nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Kambodya sa mataas na antas, palalimin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, at pahigpitin ang people to people exchanges ng dalawang bansa.
Aniya, patuloy na bibigyan ng Tsina ang Kambodya ng tulong, hangga't makakaya, para sa pagpapasulong ng pambansang kabuhayan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan nito.
Tinukoy ni Premyer Li na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya para pahigpitin ang pagpapalitan at koordinasyon ng dalawang panig, batay sa balangkas ng mekanismog pangkooperasyon ng Lancang-Mekong, at mekanismong pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN.
Ipinahayag naman ni Punong Ministrong Hun Sen ang pagtanggap sa pagdalaw ng Premyer Tsino sa Kambodya, sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Aniya, tiyak na mapapatibay pa ng pagdalaw ng lider Tsino ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Kambodya, at ibayong mapapasulong ang kanilang komprehensibong estratehikong partnership, at mekanismong pangkooperasyon ng Lancang-Mekong.
Ipinahayag din ni Hun Sen ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Tsina sa kanyang bansa. Positibo aniya siya sa progresong natamo ng mga proyektong pangkooperasyon ng dalawang panig sa pagtatatag ng lansangan, daungan, at sonang pangkabuhayan.
Umaasa aniya siyang palalawakin pa ang pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng imprastruktura, agrikultura, turismo, pamumuhay ng mga mamamayan, at iba pa.
Ipinahayag niyang buong tatag na sinusuportahan at nangakong susuportahan pa sa hinaharap ng Kambodya ang paninindigan ng Tsina sa mga nukleong interes.
Nang araw ring iyon, magkasamang dinaluhan ng dalawang lider ang seremonya ng paglalagda sa mga dokumentong pangkooperasyon ng dalawang bansa. Ipinalabas din ng dalawang panig ang magkasanib na kumunike.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |