Sa isang preskong idinaos kahapon, Martes, ika-16 ng Enero 2018, sa New York, ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), na mahalaga ang papel ng Tsina sa pandaigdig na aksyon laban sa pagbabago ng klima.
Sinabi ni Guterres, na itinatag ng UN at Tsina ang mekanismo ng diyalogo at kooperasyon sa paglaban sa pagbabago ng klima. Umaasa aniya siyang mapapatingkad ng mekanismong ito ang mahalagang papel sa pandaigdig na aksyon laban sa pagbabago ng klima.
Sinabi rin ni Guterres, na mahirap na matupad ang lahat ng mga pangako sa Paris Agreement. Kahit aniya tutupdin ang mga pangako, hindi rin maaaring kontrolin sa loob ng 2 degrees centigrade ang pagtaas ng karaniwang temperatura ng daigdig. Kaya, nanawagan siya sa iba't ibang bansa, na pag-ibayuhin ang pagsisikap para sa pagkontrol sa pagtaas ng temperatura.
Salin: Liu Kai