|
||||||||
|
||
Si Xie Zhenhua, espesyal na kinatawang Tsino sa suliranin ng pagbabago ng klima
Marrakech, Morocco — Nitong Miyerkules ng umaga, Nobyembre 16, 2016 (local time), pumasok sa ikalawang araw ang Mataas na Pulong ng United Nations (UN) Climate Change Conference.
Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Xie Zhenhua, espesyal na kinatawang Tsino sa suliranin ng pagbabago ng klima, na naging "milestone result" ang "Paris Agreement" sa prosesong multilateral ng climate change. Sinabi niya na bilang unang pulong ng mga signataryong panig makaraang lagdaan ang "Paris Agreement," hindi lamang naging mahalagang okasyon ang Marrakech Climate Change Conference sa pagdiriwang sa pagkabisa ng kasunduang ito, kundi maging masusing starting point sa pagsasakatuparan ng mga bungang natamo sa Paris Conference. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng iba't-ibang panig, para mapasulong ang pagtatamo ng tagumpay ng Marrakech Conference.
Ipinaliwanag din ni Xie ang ginawa at gagawing pagsisikap ng Tsina para maisakatuparan ang sariling target upang harapin ang pagbabago ng klima.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |