Noong ika-16 ng Enero, 2018, ipinalabas ng Ministring Panlabas ng Bangladesh ang pahayag na ayon sa plano, matatapos ang repatriyasyon ng mga Rohingya refugee sa loob ng 2 taon.
Idinaos ang unang pulong ng magkasanib na working group ng Bangladesh at Myanmar mula noong ika-15 hanggang ika-16 ng buwang ito. Tinalakay ng dalawang panig ang plano sa pagtugon sa suliranin ng mga Rohingya refugee.
Noong Agosto ng 2017, naganap ang mga sagupaan sa Rakhine State ng Myanmar, at lumikas ang maraming Rohingya refugees sa Bangladesh.
salin:Lele