Noong ika-4 ng Enero, 2018, magkahiwalay na idinaos ng pamahalaan ng Myanmar ang mga aktibidad sa Nay Pyi Taw at Yangon bilang pagdiriwang sa ika-70 Anibersaryo ng Pagsasarili ng Bansa
Sa kanyang mensaheng pambati, tinukoy ni U Htin Kyaw, Pangulo ng Myanmar na kahit naisakatuparan na ang pagsasarili ng bansa, hindi pa rin natitigil ang mga sagupaang panloob, at ito ay hadlang sa pagpapaunlad at progreso ng bansa. Nanawagan siya sa iba't ibang grupong etniko na magsikap para pangalagaan ang kabuuan ng Myanmar, at balangkasin ang konstitusyong angkop sa kalagayan ng bansa, at nang sa gayo'y, maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan sa pamamagitan ng paraang pulitikal.
Noong Enero ng taong 1948, ang Myanmar ay kumalas mula sa Britanya at naging nagsasariling bansa.
salin:Lele