Singapore—Martes, Enero 16, 2018, pormal na nilagdaan dito ng Malaysia at Singapore ang kasunduan sa bilateral na kooperasyon sa Mass Rapid Transit o MRT.
Sa kasalukuyan, may isang short-distance train sa pagitan ng dalawang bansa. Kahit umabot na sa 27 ang kadalasan ng round trip kada araw, hindi ito makatugon sa halos 100 libo hanggang 150 libong trans border passenger bawat araw. Pagkaraang itatag ang MRT system ng dalawang bansa, makakatulong ito sa pagbibigay-ginhawa sa ganitong problema.
Salin: Vera