|
||||||||
|
||
Guangzhou, Tsina—Ang China-ASEAN Expo (CAExpo) para sa Taong 2018 ay magkakaloob ng mas mabuting serbisyo at maglalatag ng mas mainam na platapormang pangkalakalan para sa mga kasaping bansa at mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Ito ang ipinahayag ni Yang Yanyan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng CAExpo noong Huwebes, Enero 17, sa promosyon para sa Ika-15 CAExpo na gaganapin sa Setyembre 12-15, 2018, sa Nanning, kabisera ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Lumahok sa nasabing promosyon ang mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road na gaya ng Pilipinas, Malaysia, Singapore, Timog Korea, New Zealand, Poland, Iran, at iba pa.
Ang taong 2018 ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong estratehiko ng Tsina at ASEAN. Ito rin ay ika-5 anibersaryo ng pagharap ng Tsina ng Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan.
Ipinahayag ni Yang na sasamantalahin ng idaraos na taunang CAExpo ang nasabing pagkakataon, para itanghal ng mga lalahok na bansa ang kani-kanilang natatanging impormasyon hinggil sa paninda, proyekto, bahay-kalakal, pondo, at ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon ng pagtutulungang komersyal sa productivity, cross-border na inobasyong pinansyal, cross-border na e-commerce at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |