|
||||||||
|
||
Beijing,Tsina-- Ayon sa datos na ipinalabas Huwebes, Enero 18, 2018, ng National Bureau of Statistics Tsina, noong taong 2017, umabot sa 82.7 trilyong Yuan RMB (mga 12 trilyong USD) ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Mas mataas ito ng 6.9% kumpara sa 2016. Ito ang unang pagtaas nitong pitong taong nakalipas.
Kabilang dito, tumaas ng 7.2% ang puhunan sa mga di-natitinag na ari-arian; tumaas naman 10.2% ang kabuuang halaga ng retail sales; at tumaas nang halos 20% ang pag-aangkat samantalang lumaki nang 10.8% ang pagluluwas.
Malaki ang ambag ng inobasyon at bagong teknolohiya sa paglago ng kabuhayan. Halimbawa, kapuwa lumaki nang 50% ang robotics at kotseng gamit ang bagong enerhiya.
Salamat sa paglago ng kabuhayan, bumubuti rin ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Noong 2017, lumaki ng 7.3% ang kita ng mga mamamayang Tsino. Nananatiling matatag ang presyo ng mga paninda.
Isang magsasaka habang nagpapatuyo ng chrysanthemum sa Niudachang Town, Shibing County, Qiandongnan Miao at Dong Autonomous Prefecture, Guizhou Province, sa dakong timog-kanluran ng Tsina, Nobyembre 25, 2017. (Xinhua/Yang Wenbin)
Salin:Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |