|
||||||||
|
||
Jakarta, Indonesia--Dumating Huwebes, Enero 18, 2018 si Huang Xilian, bagong Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa kanyang mensahe sa paliparan, sinabi ni Huang na ang taong 2017 ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN, at sa mahigit kalahating dekadang pagsisikap, naitatag ang ASEAN Community, unang sub-rehiyonal na komunidad sa rehiyon. Masasabi itong "milagro ng Asya." Inulit din niyang palagiang itinuturing ng Tsina ang ASEAN bilang priyoridad ng relasyong panlabas nito at pangunahing katuwang sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan.
Ipinahayag din ni Huang ang pag-asang sasamantalahin ang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng partnership na estratehiko ng Tsina at ASEAN at Taon ng Inobasyon ng Tsina at ASEAN para magkasamang pumasok sa bagong panahon ng pag-unlad, at itatag ang mahigpit na community of shared future ng dalawang panig.
Si Embahador Huang Xilian (ikalima sa kaliwa), kasama ng mga kinatawan ng iba't ibang sektor ng Tsina at Indonesia, makaraang dumating ng paliparan sa Jakarta. (CRI/Chang Sicong)
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |