Sa panahon ng katatapos na Ika-2 Porum ng Mangangalakal ng Tsina at Asosyasyon ng mga Kasaping Bansa ng Timog-silangang Asya (ASEAN) sa Kunming, kabisera ng Yunnan Province, sa dakong timog-kanluran ng Tsina, magkahiwalay na idinaos ng Laos at Myanmar ang promosyon para maakit ang puhunan mula sa Tsina at ibang miyembro ng ASEAN.
Sinabi ni Oudet Souvannavong, Presidente ng Lao National Chamber of Commerce and Industry (LNCCI) na kasalukuyan, may 12 Economic Zone ang Laos. Kabilang aniya sa mga larangang pampuhunan na ipino-promote ng Laos ay turismo, agrikultura, hydro power at iba. Winiwelkam aniya ng Laos ang mga mamumuhuang dayuhan at maaari silang paglingkuran ng one-stop service ng bansa.
Sinabi naman ni Dr. Aung Ko Ko, Miyembro ng Economic Committee ng National League for Democracy (NLD) ng Myanmar, na inaasahan ng kanyang bansa ang pamumuhunang dayuhan sa larangan ng enerhiya, agrikultura, telekomunikasyon, industriya ng paggawa, koryente, imprastruktura at turismo.
Salin: Jade
Pulido: Rhio