|
||||||||
|
||
Mula Enero 18 hanggang 20, 2018, idinaos sa Hanoi, Biyetnam ang Ika-26 na Taunang Pulong ng Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF). Dumalo sa pulong ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Chen Zhu, Pangalawang Pangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongreso ng Bayan (NPC) ng Tsina.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Chen na bunga ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nagsimula ang bagong landas ng pag-unlad ng Tsina sa bagong siglo. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko upang magkakasamang makalikha ng mas magandang kinabukasan.
Sa panahon ng pulong, nagtagpo sina Chen Zhu, Nguyễn Phú Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam; at Nguyen Thi kim Ngan, Pangulo ng Pambansang Asemblea ng Biyetnam.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |