Sa kanyang pakikipagtagpo sa Phnom Penh kagabi, Enero 10, 2018, kay Punong Ministro Nguyễn Xuân Phúc ng Biyetnam, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa kasalukuyan, matatag na sumusulong ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Biyetnam. Nakahanda aniya ang panig Tsino na sa balangkas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), palakasin kasama ng panig Biyetnames, ang kanilang kooperasyon upang magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kaunalran sa rehiyong ito.
Bumati naman si Nguyễn Xuân Phúc sa kasiya-siyang tagumpay ng Ikalawang Pulong ng mga Lider ng LMC. Aniya, lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang mapagkaibigang kooperasyong Biyetnames-Sino. Nakahanda ang kanyang bansa na pasulungin kasama ng Tsina, ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng