|
||||||||
|
||
Noong isang taon, sa harap ng masalimuot na kalagayang ekonomiko sa loob at labas ng bansa, lumaki ng 6.9% ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina kumpara sa taong 2016. Umabot naman sa 82.7 trilyong yuan RMB ang economic aggregate na naging unang pagkakataon ng paglampas sa 80 trilyong Yuan.
Ayon sa datos na inilabas kamakailan ng panig opisyal ng Tsina, sapul nang bumaba ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino noong 2011, ang 6.9% na bahagdan ng paglaki ay unang pagkakataon ng pagtaas ng ekonomiyang Tsino. Bukod dito, naging matatag ang paglaki ng kabuhayang Tsino sa mga larangang gaya ng hanap-buhay, presyo ng mga paninda, at International balance of payment.
Bukod dito, walang humpay ding bumubuti ang relasyon ng pagsuplay at pangangailangan sa larangang industriyal ng Tsina.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |