|
||||||||
|
||
Kamakaila'y idinaos sa Beijing ang taunang Central Economic Work Conference. Iniharap sa pulong na dapat pasulungin ang pagbuo ng bagong kayarian ng komprehensibong pagbubukas. Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga ekonomistang Tsino na ang pagpapabuti ng kapaligiran ng negosyo ay magsisilbing mahalagang hakbang para sa pag-akit ng Tsina ng pondong dayuhan, pagpapanatili ng kainitan ng pamumuhunan, at pagbuo ng bagong kayarian ng komprehensibong pagbubukas.
Iniharap din sa pulong na dapat pasulungin ang pagkabalanse ng kalakalan, at dapat ding bigyan ng mas malaking pahalaga ang pagpapataas ng kalidad ng pagluluwas at karagdagang halaga. Bukod dito, dapat ding aktibong palawakin ang pagluluwas at pababain ang taripa ng ilang inaaangkat na paninda.
Mula noong Enero hanggang Nobyembre, 2017, aktuwal na nagamit ng Tsina ang mahigit 803.6 bilyong Yuan, RMB na pondong dayuhan. Ito ay mas malaki ng 9.8% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Ang paghikayat ng pamumuhunan ng mas maraming dayuhang bahay-kalakal sa Tsina ay nagiging isa sa mga mahalagang nilalaman ng pagsusulong ng pagbubuo ng bagong kayarian ng komprehensibong pagbubukas.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |