|
||||||||
|
||
Maynila, Pilipinas—Labing-apat (14) na dokumentong pangkooperasyon ang nilagdaan Miyerkules, Nobyembre 15, 2017 ng Tsina at Pilipinas.
Saksi sa seremonya ng paglagda sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Kabilang sa 14 na dokumentong pangkooperasyon ay mga kasunduang may kinalaman sa infrastructure financing, bridge construction, bond issuance, drug rehabilitation, climate change, intellectual property protection, industrial capacity cooperation, kultura, people-to-people exchanges at iba pa.
Ipinangako rin ni Premyer Li na mag-aabuloy ang Tsina ng 150 milyong yuan (22.7 milyong US dollars) para tulungan ang Pilipinas sa rekonstruksyon at rehabilitasyon sa Marawi.
Ginawa ni Premyer Li ang kanyang dalaw-pang-estado sa Pilipinas makaraang lumahok sa serye ng pulong ng Silangang Asya na idinaos sa Pilipinas.
Ito ang unang biyahe ng isang premyer Tsino sa Pilipinas nitong sampung taong nakalipas.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |