Hainan, Tsina—Ang bapor na may lulang 100,000 Leopard Coral Grouper fingerlings na inabuloy ng Tsina sa Pilipinas ay lumisan Huwebes, ika-14 ng Disyembre, 2017 ng puwertong Qing Lan, Lunsod ng Wen Chang, Hainan Province, Tsina, makaraang dumaan ng quarantine check.
Nitong nagdaang Nobyembre 15, nilagdaan ng Ministri ng Agrikultura ng Tsina at Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas (DoA) ang MOU hinggil sa China-Philippines Cooperation of Fisheries Technical Training and Exchange. Batay sa MOU, nangako ang Tsina na magkaloob ng libre ng de-kalidad na 100,000 Leopard Coral Grouper (Plectropomus spp.) fingerlings sa mga fish-breeding farmers sa Palawan at Davao, kada taon mula 2017 hanggang 2019.
Salin: Jade
Pulido: Mac