Sa taong 2018, bilang mahalagang puwersa sa pangangasiwang pangkabuhayan ng buong daigdig, dalawang taon nang nasa operasyon ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na itinataguyod ng Tsina. Gumaganap ito ng konstruktibong papel sa pagpapasulong ng kabuhayan ng Asya at pagtutulungang panrehiyon. Ipinalalagay ng mga dalubhasa na maraming bansang Asyano ang nakikinabang mula sa AIIB.
Ayon sa estadistika, nitong dalawang taong nakalipas, 4.2 bilyong dolyares ang inilaan ng AIIB sa mga proyekto ng konstruksyong pang-imprastruktura ng mga bansang Asyano, na kinabibilangan ng Pakistan, Bangladesh, Myanmar, Indonesia, Pilipinas at India.