Davos, Switzerland--Binuksan Martes, Enero 23 ang Ika-48 World Economic Forum (WEF) na may temang ""Creating a Shared Future in a Fractured World."
Nanawagan ang mga kalahok na gawin ang 2018 na taon ng pagtutulungan at multilateralismo para matugunan ang mga pangunahing hamong pandaigdig na gaya ng pagbabago ng klima, terorismo at proteksyonismo.
Sa susunod na apat na araw, 400 forum, diskusyon at pulong ang nakatakdang idaos. Umabot sa record high ang bilang ng mga kalahok na kinabibilangan ng puno ng estado, at kinatawan mula sa pamahalaan, pandaigdig na organisasyon, negosyo, samahang sibil, akademiya, sining, media at iba pa.
Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ang tema sa taong ito ay pagpapatuloy ng diwa at esensya ng mga talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa WEF noong 2017. Noong Enero 19, 2017, sa Tanggapan ng United Nations sa Geneva, bumigkas si Xi ng talumpating pinamagatang "Build a Community of Shared Future for Mankind." Samantala, ang kanyang keynote speech sa WEF noong Enero, 2017 ay pinamagatang "Jointly Shoulder Responsibility of Our Times, Promote Global Growth."
Salin: Jade
Pulido: Mac