Inilahad Miyerkules, Enero 11, 2017, ni Li Baodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, ang impormasyon hinggil sa gaganaping pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Switzerland, at kanyang pagdalo sa 2017 Taunang Pulong ng World Economic Forum (WEF).
Ayon sa kanya, mula ika-15 hanggang ika-18 ng Enero, isasagawa ni Pangulong Xi ang dalaw pang-estado sa Switzerland. Makikipagtagpo din aniya si Xi kay Pangulong Doris Leuthard ng bansang ito at mga kinatawan ng sektor ng ekonomiya. Lalagda ang dalawang bansa sa mga kasunduang pangkooperasyon sa pulitika, negosyo, kultura, enerhiya at palakasan, dagdag pa niya.
Sinabi ni Li na sa ika-17 ng Enero, dadalo si Pangulong Xi sa 2017 Taunang Pulong ng World Economic Forum (WEF) na idaraos sa Davos, Switzerland. At sa ika-18 ng Enero, dadalaw aniya si Pangulong Xi sa Punong Himpilan ng United Nations sa Geneva, World Health Organization at International Olympic Committee.