|
||||||||
|
||
"Ngayon, ang lansangan ay nilatagan na ng aspalto, at ang drainage ay tinakpan ng bio-pores na kayang ma-absorb ang mas maraming tubig. Kaya, hindi na babahain ang mga lansangan," sabi ni Untung Wahyu, residente ng East Pisangan, sa dakong silangan ng Jakarta, sa kanyang paglalarawan sa Xinhua News Agency hinggil sa pagbabago ng komunidad nitong isang taong nakalipas.
Si Untung Wahyu, habang kinakapanayam ng Xinhua (screen shoot ng Xinhua video)
Sa kasalukuyan, 27 milyon ng mga mamamayang Indones ay naninirahan sa mga slum areas. Noong 2016, ang pamahalaan ng Indonesia ay naglunsad ng pambansang programa ng slum upgrading, na tinawag na Kotaku sa wikang Indones. Kabilang dito ang Pisangan.
Pero, kulang pa ang budget ng bansa para sa nasabing programa. Bilang suporta, kapuwa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at World Bank (WB) ay nagkaloob ng 216.5 milyong USD na pondo.
Sinimulan ang upgrading ng Pisangan noong 2017. Sa ilalim ng proyekto, maayos na isinagawa ang pangongolekta ng mga basura, pinalawak ang mga lansangan, inilis ang bara sa mga imburnal, itinatag ang parking space, itinanim ang mga halaman at puno, at sinanay ang mga residenteng lokal.
Ang Pasingan, noon at ngayon (screen shoot ng Xinhua video)
Ang pinaka-ikinamangha ni Rani Maulani, isa pang residente ng East Pisangan ay ang bagong palaruan para sa mga bata. Sinabi rin ni Rani na sa kasalukyan, maraming umalis na dating residente ang bumalik na sa Pisangan.
Si Rani Maulani habang kinakapanayam ng Xinhua (screen shoot ng Xinhua video)
Ngayong taon ay ikalawang anibersaryo ng pagkakatatag ng AIIB. Sapul nang itatag, 24 na proyekto ng imprastruktura sa 12 bansa ang pinamuhunan ng AIIB, at umabot sa 4.2 bilyong USD ang halaga ng puhuan. Hanggang sa kasalukuyan, mayroon itong 84 na miyembro na kinabibilangan ng Pilipinas.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |