Ayon sa ulat noong ika-8 ng Enero, 2018 ng People's Bank of China (PBC), bangkong sentral ng Tsina, nilagdaan na ang bilateral currency swap agreement ng PBC at bangkong sentral ng Thailand, ang kabuuang saklaw ay 70 bilyong RMB o 370 bilyong Thai Baht.
Ayon sa PBC, ang kasunduan at tatagal nang 3 taon, at maaaring palawigin ang haba ng kasunduan kung sasang-ayunan ng dalawang panig. Anito, ito ay magkakaloob ng ginhawa sa bilateral na kalakalan at pamumuhunan, at magpapasulong ng kabuhayan ng dalawang bansa.
salin:Lele