Sa kanyang pakikipagtagpo sa Phnom Penh kagabi, Enero 10, 2018, kay Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Thai, at patuloy na sumusulong ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan. Noong isang buwan, ang pagpapasimula ng konstruksyon sa unang yugto ng proyekto ng daam-bakal ng Tsina at Thailand, ay palatandaang pumasok na sa bagong yugto ang kooperasyong Sino-Thai. Nakahanda aniya ang panig Tsino na palakasin ang pakikipag-ugnayan ng "Belt and Road" Initiative sa "Eastern Economic Corridor (EEC)," at estratehiyang pangkaunlaran ng Thailand, upang mapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, turismo, at siyensiya't teknolohiya.
Ipinahayag naman ni Prayuth na malaki ang potensyal ng kooperasyong Thai-Sino. Aniya, may katuturang historikal ang kooperasyon ng dalawang bansa sa daam-bakal.
Salin: Li Feng