Beijing, Tsina—Ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang tunguhin ang globalisasyong pangkabuhayan ay nakakabuti sa interes ng iba't ibang bansa, lalo na ng mga umuunlad na bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na isaayos ang sarili sa tunguhing ito at pasulungin ang globalisasyon, kasama ng lahat ng mga may kinalamang panig.
Ito ang tugon ni Hua bilang paghanga sa pagtutol ni Punong Ministro Narendra Modi ng India sa proteksyonismong pangkalakalan sa kanyang keynote speech sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-48 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, noong Martes, Enero 23.
Sa regular na preskon, Miyerkules, Enero 24, idinagdag pa ni Hua na sa WEF noong 2017, sa keynote speech ni Pangulong Xi Jinping na pinamagatang "Jointly Shoulder Responsibility of Our Times, Promote Global Growth," nanawagan siyang pasulungin ang kabuhayang pandaigdaig tungo sa mas bukas, inklusibo, balanse at kapaki-pakinabang sa lahat.
Salin: Jade
Pulido: Rhio