|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Ipagpapatuloy ng Tsina ang pagbubukas sa labas, reporma at pasusulungin ang inobasyon.
Ito ang inilahad ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, Miyerkules, Enero 24, sa pulong para humingi ng kuru-kuro mula sa mga partido demokratiko, All-China Federation of Industry and Commerce, at mga tauhang walang kinasasapiang partido, hinggil sa taunang work report ng pamahalaan.
Si Premyer Li Keqiang ng Tsina habang nangungulo sa pulong, sa Beijing, Tsina, Enero 24, 2018. (Xinhua/Pang Xinglei)
Ipinahayag din ni Li na may matatag na pundasyon ang kabuhayang Tsino, pero, kinakaharap nito ang mga kahirapan, lalo na ang tatlong "labanan" na may kinalaman sa mga pangunahing panganib, pagpapahupa ng karalitaan, at polusyon.
Iminungkahi naman ni Wan Exiang, Tagapangulo ng Revolutionary Committee of the Chinese Kuomintang (RCCK), na isagawa ng bansa ang mga hakbangin para mapigilan ang mga panganib na pinansyal at mabawasan ang pasaning ekstrakurikular ng mga estudyante.
Iniharap naman ni Ding Zhongli, Tagapangulo ng Komite Sentral ng China Democratic League (CDL), ang mga suhestsyon hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran at estratehiya ng pagpapaunlad ng mga emerging industries.
Nakatakdang ilabas ang nasabing work report makaraang suriin sa taunang Sesyong Plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong-lehislatura ng Tsina, at Sesyong Plenaryo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) ng Tsina, sa darating na Marso.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |