|
||||||||
|
||
Bangkok, Thailand — Idinaos nitong Biyernes, Disyembre 8, 2017, ang seremonya ng pagsisimula ng Sentrong Pangkooperasyon ng Inobasyon ng Chinese Academy of Sciences (CAS). Ito ang unang overseas organ at platapormang pangkooperasyon ng inobasyon na naitatag ng CAS sa ibayong dagat. Ito rin ay makakatulong sa pagpapataas ng kalidad ng kooperasyong Sino-Thai sa inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya.
Si Zhang Jie, Pangalawang Puno ng CAS
Si Suvit Maesincee, Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya ng Thailand
Dumalo at bumigkas ng talumpati ang mga kinatawan mula sa Tsina at Thailand na kinabibilangan nina Suvit Maesincee, espesyal na kinatawan ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, at Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya ng bansa; at Zhang Jie, Pangalawang Puno ng CAS.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |