Sa isang ulat na ipinalabas kamakailan ng United Nations (UN) hinggil sa seguridad ng mga peacekeeper ng UN, sinabi nitong 56 sa kanila ang nasawi dahil sa misyon, noong 2017. Ito anang UN ang pinakamalaking bilang ng kasuwalti, sapul noong 1994. Iminungkahi din sa ulat ang pagpapabuti ng kalagayang panseguridad ng mga peacekeeper ng UN.
Kaugnay nito, ipinahayag Enero 24, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinahahalagahan ng Tsina ang seguridad ng mga peacekeeper, at sinisuportahan nito ang isinasagawang hakbang ng UN sa usaping ito. Isiniwalat niyang 40,000 Tsino ang sumapi sa misyong pamayapa ng UN, at 13 sundalo at 4 na pulis ang nasawi sa kanilang misyon. Samantala, kinumpirma ni Hua na ang nasabing report ay binigyan ng pondo ng China-UN Peace and Development Foundation. Ito aniya'y isang hakbang na ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga summit bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN, noong 2015, para sa pagbibigay-suporta sa ibat-ibang gawain ng UN.