Ang direktang flight sa pagitan ng Cagayan at Macau, lunsod sa katimugan ng Tsina, ay magiging unang international service ng Cagayan North International Airport, pagkaraang isaoperasyon sa unang dako ng taong 2018 ang paliparang ito na matatagpuan sa Lallo, Cagayan.
Ito ang nabatid sa news briefing hinggil sa pagbubukas ng naturang flight, na idinaos kamakalawa, Linggo, ika-28 ng Enero 2018, sa Foshan, Tsina.
Ayon pa rin sa salaysay, ang tagal ng paglipad sa pagitan ng Cagayan at Macau ay 90 minuto, at ang pagbubukas ng naturang flight ay inaasahang ihahatid ang mas maraming turista sa Palaui Island ng Santa Ana. Para makaakit ng mas maraming turistang Tsino, isasagawa rin ng Bureau of Immigration ng Pilipinas ang visa-free travel para sa mga turistang Tsino papuntang Cagayan Special Economic Zone.
Salin: Liu Kai