Ayon sa ulat kahapon, Lunes, ika-29 ng Enero 2018, ng Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas, noong isang taon, naglakbay sa Pilipinas ang 968 libong turistang Tsino. Ang bilang na ito ay lumaki ng 43.3% kumpara sa taong 2016.
Dahil dito, nilampasan ng Tsina ang Amerika, at naging ikalawang pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turista sa Pilipinas.
Naniniwala ang naturang kagawaran, na kasunod ng pagsasaoperasyon ng mga airline company ng Pilipinas at Tsina ng mga direktang flight sa pagitan ng dalawang bansa sa taong ito, mas maraming turistang Tsino ang maglalakbay sa Pilipinas.
Nang araw ring iyon, ipinahayag naman ni Wanda Teo, Kalihim ng Kagawaran ng Turismo, na pagkaraang dumalaw sa Tsina noong Oktubre, 2016 si Pangulong Rodrigo Duterte, nakikita ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng relasyong Pilipino-Tsino. Patuloy aniyang tatanggapin ng Pilipinas ang mas maraming turistang Tsino.
Salin: Liu Kai