|
||||||||
|
||
Jin Yuan, Economic and Commercial Counsellor ng Embahadang Tsino sa Pilipinas
Sa Sarangani, Pilipinas--Ipinahayag dito Biyernes, ika-12 ng Enero, 2017, ni Jin Yuan, Economic and Commercial Counsellor ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na nakahanda ang bansang Tsina na ipagkaloob ang mga kinakailangan para sa mga kaibigan at kapitbansa.
Ribbon-cutting para sa Groundbreaking Ceremony
Winika ito ni Jin sa Groundbreaking Ceremony ng China-aid Dangerous Drugs Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa naturang lalawigan. Aniya pa, ang proyektong ito ay isa sa mga bunga ng dalaw pang-estado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina noong 2016, at isang benepisyong dinulot ng pinalakas na kooperasyon at malusog na relasyon ng dalawang bansa.
Undersecretary Roger Tong-An ng Kagawaran ng Kalusugan
Ipinahayag naman ni Undersecretary Roger Tong-An ng Kagawaran ng Kalusugan, na sa kasalukuyan, buong sikap na napapawi ng pamahalaang Pilipino ang mga banta ng drugs, pero kulang sa mga medisina at pasilidad para gumaling ang mga tao. Pinasalamatan din niya ang pagtulong ng pamahalaang Tsino.
Groundbreaking Ceremony
Ang nasabing sentro ay sasaklaw ng 6,750 metro kuwadrado at magkakaloob ng 150 beds para sa mga tao. Sa sentrong ito, itatayo ang Admission or Administration Building, Pavilion/Transition Villa, Staff House and Motor Pool building, Male and Female Dormitory building, at Multi-purpose covered court. Bukod sa Sarangani, itatayo rin ang katulad na sentro sa Agusan del Sur.
Group picture ng mga opisyal na Tsino at Pilipino
Sinabi ni Steve Chiongbian Solon, Governor ng Sarangani, na ang konstruksyon ng sentrong ito ay magpapasulong ng kabuhayan ng lokalidad at magkakaloob ng mga pagkakataon ng trabaho na gaya ng mga manggagawa at tauhang medical.
Kaugnay nito, sinabi ni Jin na palagiang iginigiit ng panig Tsino ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Naniniwala aniya siyang sa magkasamang pagtutulungan, ang kapwa panig ay haharap sa magandang kinabukasan.
Si Yao Shanfa, namamahalang tauhan ng panig Tsino sa proyekto
Mga manggagawang Tsino at Pilipino na kalahok sa proyekto
Ang nabanggit na sentro ay itatayo ng China State Construction Corp. Ltd. Ayon sa plano, sisimulang maisaoperasyon ang sentrong ito bago ang katapusan ng taong 2019.
Ulat: Ernest
Larawan: Sissi/Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |