|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Nagpasiya ang pamahalaang Tsino na pasulungin ang modernisasyon ng agrikultura ng bansa, sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga Agricultural High-Tech Industry Demonstration Zone.
Layon nito ay pasulungin ang episyensya, pataasin ang kita ng mga magsasaka, hikayatin ang green development sa sektor na agrikultural.
Ito ang nasasaad sa isang dokumentong pampatnubay na inilabas ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina.
Sa isang kaugnay na preskon, Lunes, Enero 29, sinabi ni Xu Nanping, Pangalawang Ministro ng Sisyensiya at Teknolohiya ng Tsina na ginawa ng pamahalaang Tsino ang nasabing desisyon, batay sa pambansang estratehiya ng paghikayat ng inobasyon.
Idinagdag pa ni Xu na nitong ilampung taong nakalipas, naisakatuparan na ng Tsina ang self-sufficiency pagdating sa pagkaing-butil, pero, kinakaharap pa rin ng bansa ang mga hamon para isakatuparan ang sustenableng pag-unlad na pang-agrikultura.
Ipinangako ng Tsina na sa proseso ng pagtatatag ng mga sona, ibayo pang pasusulungin ang may kinalamang pananaliksik at edukasyon, serbisyo ng pamamahagi ng impormasyon, at pandaigdig na pakikipagtulungan.
Ayon sa plano, sa taong 2025, itatatag ang ilang pambansang lebel na demonstration zone na nagtatampok sa inobasyon at mga talentong agrikultural. Noong 1997, sinimulang itatag ng Tsina ang Yangling Agricultural High-tech Industry Demonstration Zone, at noong 2015, inaprubahan ng bansa ang pagtatatag ng Agricultural High-tech Industry Demonstration Area sa Yellow River Delta.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |