|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Magbubukas Marso 5, 2018, ang unang sesyong plenaryo ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Ito ang ipinatalastas ng Pirmihang Lupon ng ika-12 NPC, Martes, Enero 30.
Si Zhang Dejiang (gitna), Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC, habang nagtatalumpati sa seremonya ng pagpipinid ng ika-32 pulong ng ika-12 Pirmihang Lupon ng NPC, sa Beijing, Tsina, Enero 30, 2018. (Xinhua/Yao Dawei)
Kabilang sa agenda ng gaganaping pulong ay pagsusuri sa work report ng pamahalaan, at pagtasa sa mga ulat hinggil sa pagpapatupad sa taunang plano at budget hinggil sa pambansang kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan noong 2017 at balangkas na ganitong plano at budget para sa taong 2018.
Kasabay nito, ang mga kinatawan ng NPC ay magsusuri rin ng balangkas na pagsususog sa Konstitusyon; balangkas na batas hinggil sa superbisyon; at mga work report ng NPC Standing Committee, Kataas-taasang Hukumang Bayan, at Kataas-taasang Prokuratoriyat.
Magbubukas naman Marso 3, 2018, ang sesyong plenaryo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayo ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |