Beijing, Tsina—Sinimulan nang isaoperasyon Martes, Enero 30, 2018 ang unang X-ray astronomical satellite ng Tsina para sa pananaliksik na siyentipiko, makaraang matapos ang mga in-orbit na pagsubok.
Sapul nang ilunsad noong Hunyo, 2017, isinagawa ng 2.5-tonne Hard X-ray Modulation Telescope (HXMT) ang mga in-orbit na pagsubok na kinabibilangan ng scanning at pointing observation, at mga gamma-ray burst text. Nag-ambag din ang HXMT, na tinaguriang Insight, sa detection ng gravitational waves mula sa merger ng dalawang binary neutron stars, noong Oktubre, 2017.
Ayon sa China National Space Administration, ang pagsasaoperasyon ng nasabing satellite ay nagpapakitang pumasok na ang Tsina sa bagong yugto ng pananaliksik sa high-energy astronomy.
Salin: Jade
Pulido: Mac