|
||||||||
|
||
Kaninang umaga, Disyembre 26, 2017, sakay ng Long March-2C carrier rocket, matagumpay na inilunsad sa Xichang Satellite Launch Center ng Tsina ang remote sensing satellites ng ika-3 batch ng Yaogan-30 project. Nakapasok na ang satellite sa nakatakdang orbit, at kasiya-siyang nagtagumpay ang paglulunsad.
Ayon sa ulat, gagamitin ang nasabing satellites pangunahin na, sa pagsasagawa ng probe sa kapaligiran at mga kaukulang technical tests.
Ito ang ika-260 misyon ng paglilipad ng Long March rocket family.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |