Beijing, Tsina-Isinaoperasyon na ng Tsina ang Shijiang-13, unang high-throughput communication satellite makaraang kumpletuhin ang pangunahing pagsubok ng laser communication.
Ito ang ipinahayag ng China National Space Administration noong Huwebes, Enero 23.
Paglilingkuran ng nasabing satellite ang mga user sa Tsina. Sa pamamagitan nito, mag-uugnay ang mga communication base station sa malalayong lugar para matugunan ang mga pangangailangan sa distance education, pagsasagawa ng digital news gathering, at pangkagipitang komunikasyon.
Ang Shijiang-13, na inilunsad noong 2017 mula sa Xichang Satellite Launch Center, Sichuan Province, dakong timog-kanluran ng Tsina ay may transfer capacity na 20 Gbps at 15 taong orbital life.
Salin: Jade
Pulido: Mac