Beijing, Tsina—Hanggang katapusan ng 2017, umabot sa 772 milyon ang bilang ng online population ng Tsina. Ito ang nasasaad sa isang ulat na ipinalabas ng China Internet Network Information Center (CNNIC), Miyerkules, Enero 31, 2018.
Ayon sa nasabing ulat, uambot sa 55.8% ang Internet availability rate ng Tsina. Mas mataas ito ng 4.1% kumpara sa karaniwang pandaigdig na bilang.
Noong 2017, 97.5% ng online population o 753 milyong mamamayang Tsino ang gumamit ng mobile phone para dumalaw sa Internet, samantalang 68.8% naman ng online population ay gumamit ng online payment.
Ito ang ika-41 ganitong ulat na inilabas ng CNNIC.
Salin: Jade
Pulido: Rhio