Nag-usap sa telepono, kahapon, Biyernes, ika-2 ng Pebrero 2018, sina Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea, at Pangulong Donald Trump ng Amerika.
Ipinahayag nilang mahigpit na magtutulungan ang dalawang bansa, para igarantiya ang tagumpay ng Pyeongchang Winter Olympics at Paralympics, na sisimulan sa susunod na linggo.
Ipinahayag din ni Moon, na sa pamamagitan ng palarong ito, napanumbalik ang diyalogo ng Timog at Hilagang Korea. Umaasa aniya siyang ipagpapatuloy ang tunguhing ito, para magbigay-ambag sa kapayapaan sa Korean Peninsula.
Salin: Liu Kai