|
||||||||
|
||
Panmunjom — Natapos kagabi, Enero 9, 2018, ang diyalogo ng Timog at Hilagang Korea sa mataas na antas. Sa isang magkasanib na pahayag na inilabas ng dalawang panig, nagkasundo sila tungkol sa mga isyung gaya ng paglahok ng North Korea sa Winter Olympics sa Pyeongchang, at pagkakaroon ng pag-uusap ng mga departamentong militar ng dalawang panig. Ipinagdiinan din nila na magkakaroon ng diyalogo sa iba't-ibang larangan upang malutas ang mga kaukulang isyu sa pamamagitan ng pagsasanggunian.
Ayon sa pahayag, ipapadala ng Hilagang Korea ang mataas na lebel ng delegasyon at delegasyon ng Olympic Committee sa paglahok sa Winter Olympics. Bukod dito, ipapadala nito ang delegasyon ng mga atleta, grupong pansining, at delegasyon ng mga mamamahayag sa pagbiyahe sa Timog Korea; ipagkakaloob naman ng panig Timog Koreano ang kinakailangang ginhawa para rito.
Samantala, ipinahayag ng dalawang panig na magkasamang magsisikap ang dalawang bansa upang mapahupa ang tensyong militar at maitatag ang mapayapang kapaligiran ng Korean Peninsula.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |