Noong ika-10 ng Enero, 2018, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na tinatanggap ng Tsina ang positibong bunga ng pag-uusap ng Timog at Hilagang Korea. Kumakatig aniya ang Tsina sa aktibong pagsasagawa ng mga hakbangin para mapahupa ang tansyon sa relasyon ng dalawang panig. Nanawagan din siya sa komunidad ng daigdig, na unawain at katigan ang mga aksyon ito.
Ayon sa ulat, ipinalabas noong ika-9 ng Enero, 2018 ang magkasanib na pahayag ng Timog at Hilagang Korea pagkaraan ng pag-uusap. Anang pahayag, narating ang kasunduan hinggil sa kooperasyon sa 2018 Winter Olympics na idaraos sa Pyeongchang, Timog Korea. Pahuhupain din ang maigting na kalagayan sa military, dagdag ng pahayag.
salin:Lele